Diskurso PH
Translate the website into your language:

Cong. Arjo Atayde, namahagi ng tulong sa mga binaha sa kanyang distrito pero mga netizens nabadtrip?

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-21 23:17:25 Cong. Arjo Atayde, namahagi ng tulong sa mga binaha sa kanyang distrito pero mga netizens nabadtrip?

QUEZON CITY — Namigay ng relief goods si Quezon City 1st District Representative Arjo Atayde sa mga residenteng nasalanta ng pagbaha sa mga barangay ng Bagong Pag-asa, Talayan, Paltok, at Project 6.

Ayon sa mga ulat, bawat plastic bag ay naglalaman ng humigit-kumulang dalawang kilong bigas at iba pang pangunahing pangangailangan. Gayunpaman, hindi ikinatuwa ng ilang netizens ang nakita nilang mukha ng kongresista na naka-print sa mga plastic bags, bagay na tinawag ng ilan na tila “epal” at ginamit daw para sa personal na pagpapakilala imbes na simpleng pagtulong.

Dagdag pa rito, muling nabuhay ang usapin tungkol sa flood control project scam, kung saan pinangalanan si Atayde ni Curlee Discaya bilang isa sa mga politikong umano’y kumita ng kickback mula sa mga proyekto.

Habang may mga pasasalamat mula sa mga benepisyaryo, hati ang reaksyon ng publiko—may mga nagsasabing malaking tulong pa rin ang naibigay, pero may ilan namang naniniwalang hindi na dapat sinamahan ng politikal na branding ang pamimigay ng ayuda. (Larawan: Arjo atayde / Fb)