‘Hindi kami ang inyong kalaban’ — Pulis, nakiusap sa mga raliyista
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-09-22 00:44:53
MANILA — “Hindi kami ang inyong kalaban.” Ito ang mariing pahayag ng isang pulis matapos ang naging marahas na kilos-protesta kontra korupsyon noong Linggo, September 21, 2025, sa Maynila.
Ayon sa naturang pulis, tungkulin nilang tiyakin ang kaligtasan ng lahat — raliyista man o sibilyan. “Napapagod man kami pero hindi susuko para sa kinabukasan ng ating bayan. Hindi po kami ang iyong kalaban. Narito po kami para sa maayos na pagpoprotesta at hindi po kami papayag sa violenteng pagkilos,” aniya.
Dagdag pa niya, dapat ay manatili sa mapayapa at organisadong paraan ang pagpapahayag ng hinaing upang hindi mauwi sa gulo at pagkasira ng mga ari-arian ng gobyerno at pribadong sektor.
Samantala, nanawagan din ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa mga organizers ng protesta na makipagtulungan sa mga awtoridad upang maiwasan ang karahasan at matiyak na ang mga aktibidad ay hindi lalabag sa batas.
Patuloy namang pinapaalalahanan ng mga pulis ang publiko na ang tunay na pagbabago ay makakamtan sa pagkakaisa at mapayapang pakikibaka. (Larawan: Garly Rose Tv / Fb)