Diskurso PH
Translate the website into your language:

Babala: Bahay, muntik nang masunog dahil sa kwintas na nahulog sa extension wire

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-21 23:07:14 Babala: Bahay, muntik nang masunog dahil sa kwintas na nahulog sa extension wire

MANILA Nagbahagi ng babala ang isang lalaki matapos nilang muntikang masunugan ng bahay dahil lamang sa isang kwintas na aksidenteng nahulog sa extension wire na may nakasaksak na charger.

Ayon sa kanyang salaysay, dumulas sa kamay niya ang kwintas at eksaktong tumama sa extension, dahilan upang magkaroon ng malakas na spark na agad nagsunog sa kawad at muntik pang umabot sa kanilang kutson.

“Segundo lang ang nangyari. Ingat po sa ganitong pangyayari. Ikakabit ko sana ’yung kwintas ko, dumulas sa kamay ko, sakto nahulog sa extension na may charger. Ang bilis mag-spark at masunog ang extension wire. Muntik na ring masunog kutson ko. Buti alam ko agad gagawin kaya ’di agad lumala,” pahayag niya.

Dahil dito, nagbigay ng paalala ang mga netizen na laging iwasan ang paglalagay ng alahas o anumang metal malapit sa mga saksakan at extension cords, dahil maaari itong magdulot ng sunog o pagkakuryente.

Samantala, pinapaalalahanan din ng mga eksperto na gumamit lamang ng quality at tested na extension wires, huwag mag-overload ng appliances, at iwasang iwanang nakasaksak ang mga charger lalo na kapag walang bantay upang makaiwas sa ganitong insidente. (Larawan: Renren Gala Vlog / Fb)