Diskurso PH
Translate the website into your language:

Henry Alcantara, laging may dalang atleast P20M cash para sa casino

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-09-23 12:07:22 Henry Alcantara, laging may dalang atleast P20M cash para sa casino

MANILA — Sa gitna ng Senate Blue Ribbon hearing, binusisi ni Sen. Raffy Tulfo ang umano’y maluhong pagsusugal ni Brice Hernandez at iba pang opisyal ng DPWH, kabilang ang paggamit ng pekeng ID at daan-daang milyong pisong ipinapasok sa mga bangko.

Sa pagtatanong, inamin ni Hernandez na nagdadala siya ng cash sa casino, hindi chips, at umaabot sa P20M kada sugal ang ginugugol niya — dalawa hanggang tatlong beses kada linggo. Ibig sabihin, aabot umano sa P60M isang linggo ang perang ipinupusta sa casino.

“Cash po. Pero may times monitored ng AMLA… P1M papasok, P2M ilalabas. Depende kung mauubos o mananalo. Mga 2-3 times a week po. P20M kada sugal,” pahayag ni Hernandez.

Henry Alcantara’s Casino Cash

Pinaka-bumulaga sa pagdinig ang pag-amin ni Hernandez na si Henry Alcantara, dating DPWH District Engineer, ay laging may dalang hindi bababa sa P20M cash tuwing papasok sa casino.

“Alam ko maraming pera ang boss ko. Lagi siyang may dalang at least P20M cash,” ayon kay Hernandez.

36 Bank Accounts, P597M in Deposits

Ibinunyag ng Senado na si Hernandez ay may 36 bank accounts na ni-freeze ng AMLC, kung saan mayroong 190 deposits na nagkakahalaga ng P597M — malayo sa kanyang sahod bilang DPWH engineer na P56,000 kada buwan lamang.

Pinuna rin ni Sen. Tulfo ang mga nag-deposit sa account ni Hernandez — kabilang ang kanyang ina, pamangkin, at maging ang dating asawa. “Ang yaman naman ng ex-wife at nanay mo para mag-deposit ng milyones,” banat ng senador.

Fake IDs at Government Officials in Casinos

Lumabas din sa pagdinig na gumamit umano ng fake IDs si Hernandez at ilang opisyal ng DPWH upang makapasok sa mga casino, taliwas sa pagbabawal sa mga government officials na magsugal.

Ayon kay Hernandez, isang Archibald Torregosa ang nagbigay ng paraan para makakuha sila ng pekeng ID. Isiniwalat rin niya na nakasama niya sa casino sina Henry Alcantara, JP Mendoza, RJ Domasig, Justin Nuevo, Edric Sanjego, at Lester Castro.

“Bawal naman po kami, pero may lumapit at nagsabing gagawan ng paraan para makalaro. Gamit ang fake ID,” aniya.

Possible Money Laundering

Dahil sa dami ng bank accounts, deposits, at laki ng perang ginugugol sa pagsusugal, iginiit ni Sen. Tulfo na malinaw ang indikasyon ng money laundering.

“You earn P56,000 a month, yet you have P597M in deposits and 36 bank accounts. Hindi ito maipapaliwanag ng sideline lang. Lahat ng ito, labas-pasok na pera,” giit ng senador.

Nagbanta ang komite na ipapatawag din ang ilang bangko, kabilang ang Land Bank at AUB, upang magpaliwanag kung paano nakakalusot ang ganitong kalalaking transaksyon nang walang kaukulang dokumento.