Diskurso PH
Translate the website into your language:

Ex-PNP chief Azurin itinalagang bagong special adviser, investigator ng ICI

Marijo Farah A. BenitezIpinost noong 2025-09-29 14:23:49 Ex-PNP chief Azurin itinalagang bagong special adviser, investigator ng ICI

SETYEMBRE 29, 2025 — Itinalaga ng Malacañang si dating hepe ng Philippine National Police (PNP) Rodolfo Azurin Jr. bilang bagong special adviser and investigator ng Independent Commission on Infrastructure (ICI), kapalit ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Ginawa ang anunsyo nitong Lunes, Setyembre 29, tatlong araw matapos magbitiw si Magalong sa puwesto. Ayon sa ulat, nagdesisyon ang alkalde na bumaba sa tungkulin dahil sa mga isyung may kaugnayan sa posibleng conflict of interest.

Sa pahayag ng Office of the President, sinabi nitong si Azurin ay magsisimula sa kanyang bagong tungkulin matapos maisaayos ang ilang personal at administratibong detalye.

“The administration is confident that General Azurin’s experience and leadership will further strengthen the Commission’s mandate to uphold accountability and transparency in the use of public funds,” ayon sa Malacañang. 

(Kumpiyansa ang administrasyon na ang karanasan at pamumuno ni General Azurin ay magpapalakas pa sa mandato ng Komisyon na tiyakin ang pananagutan at pagiging transparent sa paggamit ng pondo ng bayan.)

Nagpasalamat din ang Palasyo kay Magalong sa kanyang naging ambag sa ICI. 

“His efforts in safeguarding the integrity and credibility of the Commission have been vital to the government’s campaign against corruption in infrastructure projects,” dagdag pa ng pahayag. 

(Ang kanyang pagsisikap na pangalagaan ang integridad at kredibilidad ng Komisyon ay mahalaga sa kampanya ng pamahalaan laban sa katiwalian sa mga proyektong imprastruktura.)

Ang ICI ay binuo upang magsiyasat sa mga iregularidad sa mga proyekto ng gobyerno, partikular sa mga flood control program na pinaniniwalaang ghost o substandard at nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso.

Hindi pa nagbibigay ng karagdagang detalye ang Palasyo kung kailan eksaktong uupo si Azurin, ngunit inaasahang magpapatuloy ang mga imbestigasyon sa ilalim ng kanyang pamumuno.

(Larawan: Philippine News Agency)