Diskurso PH
Translate the website into your language:

Lindol na magnitude 6.2, yumanig sa Surigao del Norte

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-10-17 08:41:32 Lindol na magnitude 6.2, yumanig sa Surigao del Norte

GENERAL LUNA, SURIGAO DEL NORTE — Isang lindol na may lakas na magnitude 6.2 ang yumanig sa bayan ng General Luna, Surigao del Norte nitong Biyernes ng umaga, Oktubre 17, 2025, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa ulat ng PHIVOLCS, nangyari ang lindol bandang 7:03 a.m. at ang epicenter nito ay matatagpuan 13 kilometro timog-silangan ng General Luna. May lalim itong 10 kilometro at itinuturing na tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.

Nararamdaman ang instrumental intensity IV sa mga sumusunod na lugar:

  • Cabadbaran City, Agusan del Norte
  • Surigao City, Surigao del Norte
  • Hinunangan, San Francisco, Hinundayan, at Silago sa Southern Leyte

Nagbabala ang PHIVOLCS na inaasahan ang mga aftershock at posibleng pinsala sa mga apektadong lugar. Sa ngayon, wala pang naiulat na casualty o matinding pinsala, ngunit patuloy ang monitoring ng ahensya.

Ang nasabing lindol ay kasunod ng serye ng mga pagyanig sa Davao Oriental noong nakaraang linggo at sa Cebu noong Setyembre, na nagpapakita ng patuloy na seismic activity sa rehiyon.