Ilang lugar sa bansa, walang pasok sa Lunes, Oktubre 20, 2025
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-10-19 22:47:00
OKTUBRE 20, 2025 — Dahil sa patuloy na masamang panahon na dulot ng Bagyong Ramil, ilang mga lokal na pamahalaan sa Luzon ang nag-anunsiyo ng suspensyon ng klase sa Lunes, Oktubre 20, 2025.
Narito ang listahan ng mga lugar na may walang pasok sa lahat o piling antas:
CAVITE
Lahat ng antas, pampubliko at pribado
RIZAL
Montalban (Rodriguez) – Lahat ng antas, pampubliko at pribado (No face-to-face classes)
PAMPANGA
Angeles City – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Arayat – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
San Fernando City – Lahat ng antas, pampubliko at pribado (No face-to-face classes)
PANGASINAN
Aguilar, Bayambang, Binmaley, Bugallon, Burgos, Calasiao, Labrador, Lingayen, Mabini, Malasiqui, Mangatarem, Pozorrubio, Rosales, San Fabian, San Jacinto, Sta. Barbara, Sual, Urbiztondo – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Basista, Dasol, Manaoag, Mangaldan, Urdaneta – Preschool hanggang Senior High School, pampubliko at pribado
Tayug – Preschool hanggang Kindergarten lamang
BATAAN
Hermosa – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
OCCIDENTAL MINDORO
Lubang – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Patuloy na minomonitor ng mga lokal na pamahalaan ang sitwasyon sa kani-kanilang lugar. Pinapaalalahanan ang lahat ng estudyante, guro, at magulang na manatiling alerto, mag-ingat sa pagbaha at pag-ulan, at sumubaybay sa mga opisyal na anunsiyo mula sa PAGASA at sa kanilang LGU.