Diskurso PH
Translate the website into your language:

Nahiya naman ang Pinas! Political strategist na si Malou Tiquia, dismayado sa progreso ng imbestigasyon sa flood control project

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-19 23:04:34 Nahiya naman ang Pinas! Political strategist na si Malou Tiquia, dismayado sa progreso ng imbestigasyon sa flood control project

MANILA Ipinahayag ni political strategist Malou Tiquia ang kanyang pagkadismaya sa tila mabagal na pag-usad ng imbestigasyon kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control project ng pamahalaan.

Sa isang social media post, sinabi ni Tiquia na magtatatlong buwan na mula nang unang pumutok ang isyu ngunit wala pa ring napaparusahan o nakakasuhang politiko na sangkot umano sa kontrobersyal na proyekto.

“Trilyong piso ang pinag-uusapan dito, pero hanggang ngayon, puro salita pa rin. Walang malinaw na resulta, walang pananagutan,” ayon kay Tiquia.

Dagdag pa niya, nakakabahala umano ang kawalan ng transparency sa paghawak ng imbestigasyon, lalo na’t pera ng taumbayan ang nakasalalay. Aniya, kung tunay na may malasakit ang mga opisyal sa mamamayan, dapat ay may malinaw na hakbang na para mapanagot ang mga nasa likod ng iregularidad.

“Ang ganitong klase ng proyekto ay dapat magsilbing tulong sa mga mamamayan, hindi pagkakakitaan. Pero habang walang nananagot, tuloy lang ang sistema ng katiwalian,” diin ni Tiquia.

Umapela rin siya sa mga kinauukulang ahensya na huwag hayaang mabaon sa limot ang naturang isyu at agad magsagawa ng masinsin at patas na imbestigasyon upang maibalik ang tiwala ng publiko sa pamahalaan. (Larawan: Google)