Diskurso PH
Translate the website into your language:

Ombudsman, isinusulong na ang ‘digitalization’ upang mapabilis ang mga pagresolba ng mga kaso

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-27 23:00:48 Ombudsman, isinusulong na ang ‘digitalization’ upang mapabilis ang mga pagresolba ng mga kaso

MANILA — Sa layuning mapabilis ang pagresolba ng mga kaso, ipinahayag ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na minamadali na ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang digitalization ng buong tanggapan ng Office of the Ombudsman.

Sa isang press conference nitong Lunes, Oktubre 27, sinabi ni Clavano na nagsimula na silang kumuha ng serbisyo ng isang IT expert upang tulungan sa proseso ng pag-digitalize ng mga rekord at dokumento ng mga kaso.

“The marching orders of the Ombudsman is to incorporate AI (artificial intelligence) in the way we do things here in the Ombudsman’s office,” pahayag ni Clavano. Dagdag pa niya, inaasahang sa mga susunod na linggo ay mas magiging episyente ang backend o digital operations ng kanilang tanggapan.

Layon ng digitalization project na mabawasan ang manual processing ng mga kaso at mapabilis ang paglalabas ng resolusyon. Bahagi rin ito ng transparency at modernization efforts ng Ombudsman para mapabuti ang serbisyo sa publiko.

Sa kasalukuyan, daan-daang kaso ang nakabinbin sa Ombudsman na target mapabilis sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya at artificial intelligence. (Larawan: Atty. Mico Clavano / Facebook)