Diskurso PH
Translate the website into your language:

Opisyal ng CIDG, nasawi sa operasyon sa Cebu

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-27 22:40:47 Opisyal ng CIDG, nasawi sa operasyon sa Cebu

CEBU Nasawi ang isang opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos mauwi sa trahedya ang isinagawang surveillance operation laban sa isang gun-for-hire group sa Sitio Balaw, Barangay Sudlon 2, Cebu City, noong Oktubre 25, 2025.

Kinilala ang biktima bilang si Police Captain Joel H. Deiparine, Assistant Chief ng Intelligence Section ng CIDG Regional Field Unit 7.

Sa opisyal na pahayag ng CIDG, nagpahayag ng matinding pagdadalamhati at pakikiramay ang buong ahensya sa pamilya ni Captain Deiparine, na itinuturing nilang isang matapang at tapat na alagad ng batas na nag-alay ng buhay para sa tungkulin.

n this solemn moment, I and the whole CIDG family, extend our deepest condolences to the bereaved family of Police Captain Deiparine, who made the ultimate sacrifice in the line of a sworn duty. His dedication and commitment to service, courage, and bravery will be eternally honored and remembered. Rest in peace Joel,” ayon sa pahayag ng ahensya.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nagsasagawa umano ng surveillance operation ang yunit ni Captain Deiparine laban sa isang grupo ng mga hinihinalang “gun-for-hire” nang maganap ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga responsable at mga pangyayari bago ang pamamaril.

Si Captain Deiparine ay itinuturing na bayani ng serbisyo, na nagbuwis ng buhay para sa kapayapaan at katarungan. Ang kanyang alaala ay patuloy na igagalang at pararangalan ng CIDG at ng buong PNP. (Larawan: CIDG/ Facebook)