Diskurso PH
Translate the website into your language:

COMELEC, naglabas ng desisyon. Tatlong elected officials, tanggal sa pwesto

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-28 22:11:06 COMELEC, naglabas ng desisyon. Tatlong elected officials, tanggal sa pwesto

OKTUBRE 28, 2025 — Tatlong lokal na opisyal na nanalo sa 2025 midterm elections ang diniskwalipika ng Commission on Elections (COMELEC) matapos ang paglabas ng mga petisyon laban sa kanila kaugnay ng iba’t ibang paglabag sa batas sa halalan.

Kabilang sa mga tinanggalan ng karapatang manungkulan sina Cabuyao, Laguna Mayor Dennis Hain, Albay Governor Noel Rosal, at Tarlac City Mayor Susan Yap-Sulit.

Ayon sa COMELEC, napatunayang lumabag si Mayor Dennis Hain sa Omnibus Election Code dahil sa umano’y pamimili ng boto noong panahon ng kampanya.

Samantala, idineklara namang disqualified si Governor Noel Rosal dahil sa material misrepresentation, matapos matukoy na mayroon siyang naunang hatol ng Ombudsman sa kasong grave misconduct.

Si Mayor Susan Yap-Sulit naman ay napatunayang hindi nakasunod sa residency requirement, isang batayang kondisyon para sa pagtakbo sa lokal na posisyon.

Ayon sa COMELEC, ipapatupad agad ang desisyon matapos maging pinal upang masiguro ang integridad ng proseso ng halalan at pagpapatupad ng batas. (Larawan: Wikipedia / Google)