Diskurso PH
Translate the website into your language:

Nakamamanghang Tanawin: Bioluminescence sa baybayin ng Roxas City

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-28 21:31:28 Nakamamanghang Tanawin: Bioluminescence sa baybayin ng Roxas City

ROXAS CITY — Namangha ang mga residente ng Roxas City, Capiz matapos masaksihan ang kakaibang liwanag sa baybayin ng Barangay Baybay, People’s Park nitong Martes ng gabi, Oktubre 28, 2025.

Sa mga kuhang larawan at video ng mga residente, makikitang tila kumikislap na bughaw na liwanag ang alon sa tuwing tumatama ito sa buhangin—isang nakamamanghang tanawin na agad kumalat sa social media.

Ayon sa mga eksperto, posibleng sanhi ito ng bioluminescence—isang natural na phenomena na nagmumula sa maliliit na organismong-dagat gaya ng dinoflagellates. Naglalabas ang mga ito ng liwanag kapag nagagalaw o naaabala ang tubig, gaya ng pag-alon o paggalaw ng mga tao sa dagat.

Bagaman bihira sa ilang bahagi ng bansa, naitala na rin ang kahalintulad na pangyayari sa Palawan, Romblon, at Siquijor. Paalala naman ng mga lokal na awtoridad na huwag munang pumasok sa dagat habang isinasagawa ang pagsusuri upang matiyak kung ligtas pa rin ito sa paglangoy.

Para sa maraming residente, ito ay isang paalala ng hiwaga at ganda ng kalikasan—isang sandaling nagpatingkad sa tahimik na gabi sa Roxas City. (Larawan: Earl Valencia / Facebook)