Diskurso PH
Translate the website into your language:

Martires, di na maalala kung bakit hindi nailathala ang 2019 Villanueva dismissal order

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-10-28 15:20:59 Martires, di na maalala kung bakit hindi nailathala ang 2019 Villanueva dismissal order

MANILA — Sinabi ni dating Ombudsman Samuel Martires na hindi niya matandaan kung bakit hindi nailathala ang kanyang desisyon noong Hulyo 2019 na nag-dismiss sa mga reklamong kriminal at administratibo laban kay Senador Joel Villanueva kaugnay ng umano’y maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sa panayam sa Super Radyo dzBB nitong Martes, Oktubre 28, sinabi ni Martires, “Hindi ko maalala sa tagal ng panahon, hindi ko maalala ang reason ba’t hindi na-publish ’yan. Maybe because I was also overwhelmed with cases.”

Dagdag pa niya, hindi obligasyon ng Ombudsman na ilathala sa media ang lahat ng desisyon ng opisina, maliban na lamang kung kinakailangan ng batas.

Ang isyu ay muling lumutang matapos ihayag ni kasalukuyang Ombudsman Jesus Crispin Remulla na ang desisyon ni Martires ay isang “secret dismissal” na hindi naipaalam sa publiko.

Ayon kay Remulla, plano sana niyang ipatupad ang 2016 dismissal order ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales laban kay Villanueva, ngunit nadiskubre niya ang 2019 resolution ni Martires na nagsasabing forged ang mga pirma ni Villanueva sa mga dokumento ng PDAF.

Naglabas si Villanueva ng mga dokumento mula sa Office of the Ombudsman at Sandiganbayan na nagpapatunay na wala siyang nakabinbing kaso. Sinabi rin ni Martires sa hiwalay na panayam sa ANC, “My acts were transparent… There was no secret decision.”