Diskurso PH
Translate the website into your language:

Paano sumali sa public auction ng luxury cars ng mga Discaya?

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-11-04 09:12:02 Paano sumali sa public auction ng luxury cars ng mga Discaya?

MANILA — Inanunsyo ng Bureau of Customs (BOC) na isasagawa ang public auction ng pitong luxury vehicles na pag-aari ng Discaya couple sa darating na Nobyembre 17, 2025, ganap na 10:00 a.m. sa Situation Room, Ground Floor, Office of the Commissioner (OCOM) Building, Port Area, Maynila.

Ang mga sasakyang isasailalim sa sealed bidding ay ang mga sumusunod:

  • Toyota Tundra (2022)
  • Toyota Sequoia (2023)
  • Rolls-Royce Cullinan (2023) — kasama ang kilalang umbrella accessory
  • Mercedes-Benz G63 AMG (2022)
  • Mercedes-Benz G500 Brabus (2019)
  • Lincoln Navigator L (2021)
  • Bentley Bentayga (2022)

Paano sumali sa bidding:

  • Viewing schedule: Maaaring makita ang mga sasakyan mula Nobyembre 10 hanggang 12 sa PUC Parking Area, OCOM Grounds.
  • Registration: Kailangang kumpletuhin ang Bidder’s Registration Form at magsumite ng certified true copy ng Income and/or Business Tax Returns.
  • Deadline ng registration: Mula isang araw bago ang auction hanggang isang oras bago magsimula ang bidding.
  • Bidding terms: Ang mga sasakyan ay ibebenta sa prinsipyo ng “as is, where is”, ibig sabihin ay walang warranty at hindi na maaaring ibalik o palitan.

Ayon sa BOC, ang auction ay bahagi ng kanilang kampanya laban sa smuggling. Ang mga sasakyan ay kinumpiska matapos matuklasang walang kaukulang import entry at certificate of payment. Sinabi ni BOC Deputy Chief of Staff Atty. Chris Noel Bendijo, “They submitted a voluntary forfeiture… meaning to say that they will no longer contest ‘yung seven vehicles”.

Ang auction ay bukas sa lahat ng kwalipikadong kalahok. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang opisyal na Facebook page ng Bureau of Customs o tumungo sa kanilang tanggapan sa Port Area, Maynila.

Larawan mula Bureau of Customs PH/Facebook