Diskurso PH
Translate the website into your language:

Cebuanos nagngangalit sa DENR, Monterrazas dahil sa delubyong naranasan kay Tino

Marijo Farah A. BenitezIpinost noong 2025-11-06 14:42:03 Cebuanos nagngangalit sa DENR, Monterrazas dahil sa delubyong naranasan kay Tino

NOBYEMBRE 6, 2025 — Matapos ang matinding pagbaha sa lungsod ng Cebu, galit ang umigting sa social media laban sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at sa kontrobersyal na Monterrazas development na inendorso ng celebrity na si Slater Young.

Hindi na napigilan ng mga residente ang pagbatikos sa DENR matapos lumutang ang tanong kung bakit pinayagan ang mga proyekto sa gilid ng bundok, partikular sa Barangay Guadalupe, kung saan matindi ang epekto ng baha.

“I still don’t understand why this was given an ECC (Environmental Compliance Certificate) in the first place,” ani user @ApprehensiveClick597. “DENR is generally a pain in the a**, palaging nag-iissue ng ECCs sa mga questionable projects.” 

(Una sa lahat, hindi ko maintindihan kung bakit ito nabigyan ng ECC. Ang DENR ay sakit sa ulo, palaging nagbibigay ng ECC sa mga kaduda-dudang proyekto.)

Isa sa mga tinutukoy ay ang “The Rise at Monterrazas,” isang high-end condominium na bahagi ng Monterrazas de Cebu. Ayon sa mga netizen, ang konstruksyon sa bundok ay nagdulot ng mas mabilis na pagdaloy ng tubig at putik sa mga mababang lugar.

“Lived for 35 years sa gilid ng river, elevated area, and only this time lang nagka flashfloods,” sabi ni @Warm_Worldliness667. 

(35 taon na akong nakatira sa gilid ng ilog, mataas na lugar, ngayon lang nagkaroon ng biglaang pagbaha.)

Binatikos din ang tila double-standard ng DENR pagdating sa pag-apruba ng mga proyekto.

“To think andami nilang panakot na penalty related sa permitting and solid waste pero pagdating sa mga naninira ng kalikasan wala silang say?” tanong ni @Cheeky_bop. 

(Ang dami nilang bantang multa sa permit at basura pero sa mga sumisira sa kalikasan, tahimik sila?)

Dagdag pa ni @puskiss_hera, “Yang DENR-R7 kapag ordinary na tao di pwede bumili or magbahay sa mountain areas, pero subdivision pwedeng pwede.”

Hindi rin nakaligtas si Slater Young, engineer at influencer, sa mga puna.

“Kung celebrity engineer ako tapos may balak akong magtayo ng exclusive subdivision sa gilid ng bundok sa Cebu, parang kailangan ko yata iconsider yung next move ko kasi put*ng *na grabe itong nangyari sa Cebu ngayon,” ani @_ynigo. 

(Kung sikat akong engineer na may planong magtayo ng subdivision sa bundok, dapat siguro pag-isipan ko muna dahil grabe ang nangyari sa Cebu.)

(Larawan: Yahoo)