Diskurso PH
Translate the website into your language:

Visayas isinailalim sa Signal No. 4 dahil sa matinding pananalasa ni Tino

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-11-04 09:12:03 Visayas isinailalim sa Signal No. 4 dahil sa matinding pananalasa ni Tino

MANILA — Walong lugar sa Visayas ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 habang patuloy na nananalasa ang Bagyong Tino (Kalmaegi) sa rehiyon, ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa 5:00 a.m. bulletin ng PAGASA ngayong Martes, Nobyembre 4, tinukoy ang Camotes Island bilang isa sa mga lugar na nakararanas ng “life-threatening conditions” dulot ng bagyo. Ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa coastal waters ng San Francisco, Cebu, taglay ang maximum sustained winds na 150 km/h at gustiness na umaabot sa 205 km/h, habang kumikilos pa-kanluran sa bilis na 25 km/h.

Mga lugar sa ilalim ng Signal No. 4:

  • Camotes Islands
  • Southern portion of Leyte (kasama ang Mahaplag, Abuyog, Baybay City, Inopacan, Hilongos, Hindang, Bato, Matalom, Javier, Macarthur, La Paz, Mayorga, Burauen, Isabel, Merida, Albuera, Dulag, Julita, Palompon)
  • Southern portion of Antique (Valderrama, Patnongon, San Remigio, Sibalom, Belison, San Jose, Hamtic, Tobias Fornier, Anini-y)

Nagbabala ang PAGASA na “heavy rainfall, severe winds, and storm surge may still be experienced in localities outside the landfall point and the forecast confidence cone.” Inaasahang tatawid si Tino sa Visayas at Northern Palawan bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa gabi ng Nobyembre 5 o madaling araw ng Nobyembre 6.

Naunang nag-landfall si Tino sa Silago, Southern Leyte bandang 12:00 a.m. ngayong araw. Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay may typhoon-force winds na umaabot hanggang 300 km mula sa sentro, kaya’t pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ingat at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan.

Larawan mula DOST-PAGASA