Diskurso PH
Translate the website into your language:

PAGASA nagbabala: 25 lugar posibleng malubog sa ulang dala ni ‘Uwan’

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-11-07 08:39:31 PAGASA nagbabala: 25 lugar posibleng malubog sa ulang dala ni ‘Uwan’

MANILA — Naglabas ng babala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa 25 lugar sa Luzon at Visayas na posibleng makaranas ng matinding pag-ulan sa darating na Linggo, Nobyembre 9, dulot ng Severe Tropical Storm Fung-Wong, na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong weekend.

Ayon sa Heavy Rainfall Outlook ng PAGASA na inilabas alas-5 ng umaga ngayong Biyernes, ang mga sumusunod na lugar ay maaaring makaranas ng 100–200 mm ng ulan:

  • Isabela
  • Aurora
  • Quezon
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes

Samantalang ang mga lugar na posibleng makaranas ng 50–100 mm ng ulan ay:

  • Apayao
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Batanes
  • Cagayan
  • Quirino
  • Nueva Vizcaya
  • Nueva Ecija
  • Bulacan
  • Rizal
  • Laguna
  • Albay
  • Sorsogon
  • Masbate
  • Northern Samar
  • Eastern Samar
  • Samar
  • Biliran

Babala ng PAGASA, “Forecast rainfall may be higher in mountainous and elevated areas. Moreover, impacts in some areas may be worsened by significant antecedent rainfall.” Ibig sabihin, maaaring mas malala ang epekto sa mga lugar na dati nang binaha o nabasa ng ulan sa mga nakaraang araw.