Diskurso PH
Translate the website into your language:

Power supply sa Bagabag, Nueva Vizcaya, sinisikap na maibalik sa normal

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-13 22:58:36 Power supply sa Bagabag, Nueva Vizcaya, sinisikap na maibalik sa normal

NUEVA VIZCAYA — Patuloy ang ginagawang pagsasaayos ng mga nasirang linya ng kuryente sa bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya, matapos ang matinding pinsalang idinulot ng super typhoon ‘Uwan’.

Ayon sa Nueva Vizcaya Electric Cooperative (NUVELCO), katuwang nila sa power restoration activity ang mga lineman mula sa Task Force Kapatid (TFK) ng Cagayan I Electric Cooperative, Inc. (CAGELCO I), bilang bahagi ng inter-cooperative assistance upang mapabilis ang pagbangon ng probinsya.

Sa kasalukuyan, marami pa ring lugar sa Bagabag at karatig-bayan ang walang suplay ng kuryente, dahil sa mga natumbang poste, naputol na linya, at sirang transformer.

Tinatayang dalawa hanggang tatlong linggo pa bago tuluyang maibalik sa normal ang power supply, depende sa lagay ng panahon at lawak ng pinsala.

Nagpasalamat naman ang NUVELCO sa mga lineman at lokal na pamahalaan sa kanilang tulong at dedikasyon. Hinikayat din nila ang publiko na mag-ingat sa mga nakalaylay na kable at agad ireport sa kanilang tanggapan ang anumang insidente ng kuryente sa kalsada. (Larawan: XFM Santiago / Facebook)