Tingnan: Sen. Loren Legarda, isinusulong ang ‘schools of living traditions act’ para mapangalagaan ang pamanang kultura ng Pilipinas
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-11-13 22:39:47
MANILA, Philippines — Isinusulong ni Senator Loren Legarda ang pagpasa ng Senate Bill No. 1507 o ang “Institutionalizing the Schools of Living Traditions (SLTs) Act” upang higit na mapangalagaan at maipagpatuloy ang mga katutubong sining, musika, at tradisyon sa bansa.
Ayon kay Legarda, kailangang gawing opisyal na programa ng pamahalaan ang mga SLTs upang magkaroon ng mas matatag na pondo at suporta para sa mga komunidad na nagsisilbing tahanan ng ating kultura at pamanang Pilipino.
Binigyang-diin ng apat na terminong senador na ang mga Hudhud chants ng Ifugao, Darangen epic ng Meranaw, at piña handloom weaving ng Aklan ay hindi lamang mga gawaing kultural, kundi mga buhay na tagapagdala ng karunungan, pagpapahalaga, at pagkakakilanlan ng bansa.
“Our heritage is not a relic of the past, but a living legacy that shapes our tomorrow,” ani Legarda, habang nananawagan ng mas masiglang pagkilos upang mapanatiling buhay ang kultura at sining ng bawat Pilipino sa makabagong panahon. (Larawan: Loren Legarda / Facebook)
