‘Very credible’ — Giit ni Mon Tulfo sa kanyang ‘insider list’ sa umano’y destabilization plot laban sa Marcos administration
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-11-13 22:29:27
MANILA — Iginiit ng beteranong kolumnista na si Mon Tulfo na “very credible” umano ang kanyang Facebook post hinggil sa listahan ng mga taong sangkot sa destabilisasyon laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa panayam ng DZMM TeleRadyo nitong Nobyembre 12, sinabi ni Tulfo na ang impormasyon ay mula sa isang mapagkakatiwalaang source sa intelligence community ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa naturang “insider list” na ipinost niya noong Nobyembre 10, binanggit ni Tulfo ang 16 na pangalan, kabilang ang ilang retiradong heneral, at mga umano’y “potential financiers” tulad nina dating Ilocos Norte Governor Chavit Singson at Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte kasama si Vice President Sara Duterte.
Kapwa itinanggi ng magkapatid na Duterte ang mga paratang ni Tulfo.
Ayon kay Tulfo, kung sakaling mapatalsik sa puwesto si Pangulong Marcos, awtomatikong papalit si VP Sara. Ngunit giit niya, magiging “kawawa ang bansa” kung mangyayari iyon dahil “baliw ‘yung papalit,” aniya.
Samantala, wala pang opisyal na pahayag mula sa Malacañang hinggil sa naturang isyu. (Larawan: Mon Tulfo / Facebook)
