CICC binuking ang ‘12 Scams of Christmas’: Fake sellers, fake sites, fake delivery — kabi-kabila!
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-11-17 17:09:41
MANILA — Nangunguna ang mga online shopping scam at fake delivery schemes sa listahan ng “12 Scams of Christmas” ngayong holiday season, ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at Scam Watch Pilipinas. Inilunsad ang taunang kampanya nitong Nobyembre 17 upang paalalahanan ang publiko sa tumataas na insidente ng panloloko tuwing Kapaskuhan.
Ayon kay Scam Watch Pilipinas co-founder Jocel De Guzman, "Number one, fake yung Facebook account pretending to be a shopping website. Number two, fake yung shopping website itself. Number three, fake yung account at fake yung binibenta". Lumobo ang mga reklamo matapos ang mga malalaking online sales tulad ng 11.11, at inaasahang tataas pa ito sa Black Friday at 12.12.
Top 12 Scams of Christmas sa Pilipinas
- Online Shopping Scam – fake sellers, websites, at produkto
- Fake Delivery Scam – bogus delivery notifications na may malware links
- Call Scam – phishing calls na nagpapanggap na bangko o ahensya
- Task/Job Scam – pekeng online job offers na may bayad sa registration
- Investment Scam – high-return promises sa crypto o stocks
- Love Scam – romance-based fraud sa dating apps
- Loan Scam – pekeng lending platforms na naniningil ng processing fee
- Impersonation Scam – scammers na nagpapanggap bilang kamag-anak o opisyal
- Travel Scam – bogus travel deals at fake booking sites
- Charity Scam – pekeng donation drives
- Middleman Scam – fake brokers sa property o business deals
- Online Survey Scam – phishing disguised as paid surveys
Holiday Watch PH 2025
Inilunsad din ang “Holiday Watch PH 2025” campaign upang palakasin ang edukasyon at proteksyon ng publiko laban sa cyber fraud. Ayon kay CICC Executive Director Usec. Aboy Paraiso, "The Holiday Season is when scammers become more aggressive and creative… Our goal is simple: to equip every Filipino with the right knowledge so they won’t fall victim".
Pinapayuhan ang publiko na:
- I-verify ang authenticity ng seller at website
- Huwag basta-basta mag-click sa delivery links
- Gumamit ng secure payment methods
- I-report ang scam sa hotline 1326
Larawan mula CICC
