Scientist, gumawa ng halamang nagliliwanag, posibleng alternatibong ilaw sa lansangan
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-10-05 22:06:36
CANTON, CHINA — Tagumpay ng mga siyentipiko sa South China Agricultural University ang paggawa ng mga halamang totoong buhay na nagliliwanag nang maliwanag nang hindi nangangailangan ng baterya o saksakan. Ginawa nila ito sa pamamagitan ng pag-inject ng maliliit na kristal sa pagitan ng mga selula ng dahon ng succulent plants.
Ayon sa ulat, ang mga kristal na ito ay naiipon ang enerhiya mula sa sikat ng araw o maliwanag na ilaw sa loob ng bahay, at unti-unting inilalabas ang liwanag pagkatapos patayin ang mga ilaw. Dahil sa istruktura ng dahon ng succulent, pantay ang pagkakakalat ng mga kristal, kaya nagmumukhang nagliliwanag ang buong halaman.
Ginamit ng mga mananaliksik ang strontium aluminate na may halong europium at dysprosium, na nagsisilbing maliit na imbakan ng enerhiya. Kapag na-excite ng ilaw, ang ilang electron sa kristal ay natatrap sa mga defects at unti-unting naglalabas ng liwanag. Upang mapanatili ang katatagan sa tubig ng halaman, binalutan ang mga kristal ng manipis na phosphate coating bago ito i-inject sa maliliit na daanan sa dahon, hindi direktang sa loob ng mga selula o sa mga ugat nito.
Ipinakita ng mga eksperimento na ang mga halaman ay patuloy na may normal na antas ng chlorophyll, asukal, at protina kahit na ilang araw na silang ginamitan ng teknolohiya, na nagpapahiwatig na kayang tiisin ng mga halaman ang ganitong pagbabago nang hindi nawawala ang sigla.
Ayon sa mga siyentipiko, ang teknolohiyang ito ay maaaring magbukas ng posibilidad na gamitin ang mga nagliliwanag na halaman bilang alternatibong pampaliwanag sa lansangan, na sustainable at hindi nangangailangan ng kuryente.
Larawan mula sa Earth.com