Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘May araw ka rin’ — Alden Richards, may pasaring sa isyu ng P35.2 bilyong pondo ni Rep. Zaldy Co

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-05 23:26:42 ‘May araw ka rin’ — Alden Richards, may pasaring sa isyu ng P35.2 bilyong pondo ni Rep. Zaldy Co

MANILA Nag-ingay sa social media ang aktor at TV host na si Alden Richards matapos mag-post sa kanyang Instagram story ng isang larawan na tumutukoy sa umano’y ₱35.24 bilyong halaga ng pondo na inilaan umano ni House Appropriations Committee Chair Zaldy Co sa lalawigan ng Bulacan.

Sa naturang post, makikita ang litrato ni Co kalakip ang teksto na nagsasabing:

“₱35,240,000,000.00 worth of funds inserted by Zaldy Co in Bulacan.”

May dagdag pa itong paliwanag:

“Para maubos mo ang 1 billion sa loob ng isang taon, kailangan mong gumastos ng ₱2.8 milyon bawat araw. Para maubos mo ang ₱35 billion sa loob ng isang taon, kailangan mong gumastos ng ₱98 milyon bawat araw.”

Ngunit ang higit na umagaw ng pansin ay ang caption ni Alden na “May araw ka rin.”
Maraming netizens ang agad nagbigay ng kani-kanilang reaksyon — ilan ang pumuri sa tapang ng aktor sa pagpapahayag ng kanyang saloobin, habang ang iba naman ay nagpaalala ng kahalagahan ng fact-checking lalo na sa mga sensitibong isyu ng pondo at politika.

Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag si Zaldy Co hinggil sa naturang post, ngunit patuloy itong nagiging mainit na paksa sa social media.

Ang isyu ay kasalukuyang nagpapalakas ng panawagan mula sa publiko para sa mas malinaw na pagpapaliwanag sa paggamit ng pondo ng bayan at mas mataas na antas ng transparency sa Kongreso. (Larawan: Alden Richards / Facebook)