Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘Nay, 33 years old na po kami’ — Inah de Belen, sinagot ang isang netizen sa live-in set-up nila ni Jake Vargas

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-05 22:37:46 ‘Nay, 33 years old na po kami’ — Inah de Belen, sinagot ang isang netizen sa live-in set-up nila ni Jake Vargas

MANILA — Umagaw ng atensyon online ang matapang ngunit may halong biro na tugon ng aktres na si Inah De Belen sa isang netizen na nagkomento tungkol sa relasyon nila ng aktor na si Jhake Vargas.

Sa isang social media post, isang netizen ang nagsabing, “Ang babata pa, nag-live in na.”
Agad naman itong sinagot ni Inah ng, “Nay, 33 years old na po kami. Mag-research po muna kayo.”

Umani ng halakhak at suporta mula sa mga netizen ang sagot ng aktres, na marami ang nagsabing “baby face” lang talaga sina Inah at Jhake kaya’t napagkakamalan pa ring bata.
May isa pang netizen na nagkomento ng, “Batang 90’s lang sakalam, mga baby face!” — bagay na sinang-ayunan ng karamihan sa mga tagahanga.

Matatandaang parehong nagsimula sa showbiz bilang mga child stars sina Inah at Jhake noong dekada 2000, dahilan kung bakit marami pa ring nakakakita sa kanila bilang “mga bata.”

Sa kabila nito, pinuri ng mga netizen ang pagiging totoo at confident ni Inah sa kanyang personal na buhay, na ayon sa iba, ay patunay ng kanyang maturity at pagiging prangka bilang artista. (Larawan: Inah de Belen / Facebook)